BI may 173 bakanteng posisyon

MANILA, Philippines - Nasa 173 bakanteng  posisyon  ang bukas sa mga kuwalipikadong aplikante sa Bureau of Immigration (BI).

Ito ang inihayag ni Commissioner Siegfred B. Mison nang isagawa ang  rationalization plan  sa ilalim ng  Department of  Justice, habang  ang ibang  posisyon naman ay nabakante dahil sa  retirement, resignation o dismissal sa serbisyo ng mga empleyado.

Isa pang magandang balita aniya ni Mison ay  hindi na nangangailangan ng experience ang  105  na posisyon  dito.

Maaaring  makita ang  listahan ng mga posisyon sa BI website sa www.immigration.gov.ph/index.php/information/job-opportunities.

Kailangan na  sumailalim  sa  screening ang bawat  aplikante upang malaman ang  kakayahan  at kuwalipikasyon.

Lumilitaw na sa BI mana­gement information systems division, nangangailangan sila ng information techno­logy officers, information systems analyst,computer maintenance technologist, computer prog­rammer at administrative aide.

Sinabi naman ni Atty. Liza Julie Madera, acting chief ng BI personnel section,  kaila­ngan din nila ngayon ng translator, legal aide, fingerprint examiner, at several administrative aides.

Ang  aplikante dito ay dapat na bachelor’s degree, hours of training, at career service eligibility.

 

Show comments