MANILA, Philippines - Nalibing nang buhay ang isang magkapatid matapos na matabunan ng lupa ang kanilang bahay sa naganap na landslide kahapon ng madaling-araw sa Rodriguez, Rizal.
Kinilala ang magkapatid na sina John Michael Amor, 6-buwang gulang at Rey Amor, 3, kapwa residente ng Sitio Banbanin, Lukutang Maliit, Barangay San Isidro ng nasabing bayan.
Batay sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling-araw ay nasa kasarapan ng tulog ang pamilya Amor nang mangyari ang pagguho ng lupa na tumabon sa kanilang bahay.
Ang pagguho ng lupa ay kasunod nang walang tigil na pagbuhos ng ulan, sa lalawigan kung kaya’t lumambot ang lupa.
Pasado alas-5:30 na ng umaga nang marekober ang katawan ng
magkapatid na kaagad dinala sa Casimiro-Ynares Sr. Memorial Hospital, subalit namatay din ito.