3 patay sa QC ambush

MANILA, Philippines - Niratrat ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo ang isang kot­se na ikinasawi ng tatlong sakay nito sa naganap na ambush kahapon ng  umaga sa Novaliches, Quezon City.

Wala pang nakuha­­ ang mga pulis na pagkakakilanlan ng mga nasawi na kinabibilangan ng dalawang babae at isang lalaki na nagsilbing driver.

Hindi pa kilala ang mga suspek na pawang nakasuot ng puting helmet na mabilis tumakas sa lugar.

Sa ulat ni Supt. Norberto Babagay, hepe ng Quezon City Police District Station 4, dakong alas-11:30 ng umaga nang mangyari ang pag-ambush sa mga biktima sa Daang Nawasa, Bucanig Extension, Balu­yot Park, Brgy. Sauyo sa lungsod.

Nabatid na sakay ang mga biktima ng kulay chocolate brown na Toyota Vios na may conduction sticker na BY-7837 at tinatahak ang nasabing kalye nang sumulpot ang motorsiklo ng mga suspek at sila ay pagbabarilin.

Namatay noon din ang dalawang katao habang ang isang babae ay nadala pa sa FEU Hospital, subalit idineklarang dead-on-arrival.

Show comments