MANILA, Philippines - Pinuri kahapon ng House Independent Minority Bloc sa pamumuno ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez angPhilippine Arena ngIIglesia Ni Cristo (INC) bilang walang alinlangang patunay ng pagkakaisa at determinasyon ng mga Piliipino.
“Ipinakita ng mga kapatid natin sa INC na kung magkakaisa lamang tayo, walang imposible sa ating mga Pilipino,” ayon kay Romualdez.
Pinakamalaki ang Philippine Arena sa mga kahalintulad nito sa buong mundo.
Ginastusan ng $175-million oP7.65 billion at itinayo sa Bocaue, Bulacan, ang Arena ay kayang maglaman ng51,000, katao at may bubong na 35,948-square meters omahigit tatlo’t kalahating ektarya,
Sa kanilang pagbati sa INC, nagpahayag ng kumpiyansa ang Bloc at si Romualdez na lalong mapapalakas ngArena ang katayuan ng Pilipinas sa pandaigdigang merkado para sa sporting events at performing arts.
“Umaapila din kami sa pamunuan ng INC na payagan ang gobyerno na magamit ang kanilang mga pasilidad para sa pagsasanay ng ating mga pambansang atleta bilang paghahanda sa mga international na competition na kanilang sasalihan. Kahit ang atleta ay hindi pa miyembro ng kanilang kapatiran,” ayon kay Romualdez.
Idinagdag pa ni Romualdez na angArena ay dapat magsilbing inspirasyon at hamon sa gobyerno at sa mga opisyales na nangangasiwa sa mga paglutas sa mga problema sa sports at performing arts.
“Kung nakaya ng INC na gawin ang Philippine Arena, walang dahilan para hindi rin ito magawa ng pamahalaan. Sobra-sobra ang pondo, tauhan atkagamitan ng gobyerno kung tutuusin. Kung nagawa ng gobyerno na ilaan ang iba’t ibang pondo mula sa iba’t ibang kaban o tanggapan para sa Disbursement Acceleration Program (DAP), siguradong mayroon ding legal na pamamaraan para mapaglaanan din ng karagdagang pondo ang sports at performing arts,” ayon kay Romualdez.