Call center agent, nagpakamatay

MANILA, Philippines - Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili ang isang call center agent sa loob ng kanyang tinutuluyan bahay sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO1 Anthony Magallon, may-hawak ng kaso, ang biktima ay nakilalang si Marilou de Guzman, 28, dalaga ng 10-F Imugan St., Brgy. Santol sa lungsod.

Ang nakabiting bangkay ng biktima ay nadiskubre ng kanyang room mate na si Ariel Angeles. Sinturon na ipinilupot sa leeg at itinali sa cable wire clothesline ang ginamit ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.

Sinasabing kauuwi lamang ni Angeles nang makita niyang nakabitin ang biktima kaya agad na ipinagbigay alam sa otoridad para sa imbestigasyon.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para mabatid kung may foul play sa insidente.

 

Show comments