Magkaibigan niratrat ng kasalubong na kaaway

MANILA, Philippines - Mga putok ng baril ang isinalubong sa isang magkaibigan ng isang lalaki na kanilang kaaway nang magkrus ang kanilang landas kamakalawa ng gabi sa Cabato Road, Brgy. Tetuan, Zamboanga City.

Batay sa ulat, dakong alas-11:40 ng gabi ay nag­lalakad ang magkaibigan sa bisinidad ng nasabing lugar nang masalubong nila ang suspek na si Marvin Gaspar alyas Balut, residente ng Brgy. Guiwan  ng lungsod  na biglang nagbunot ng baril at pinagbabaril sila.

Nang bumagsak ang magkaibigan ay mabilis na tumakas ang suspek kasama ang hindi pa nakilalang lalaki.

Patuloy ang imbestigasyon kung ano ang ugat ng away.

 

Show comments