MANILA, Philippines - Hindi pinatulan ng AFP-Eastern Mindanao Command (AFP-Eastmincom) ang hiniling na demand na pullout ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kapalit ng pagpapalaya sa 4-bihag na pulis sa lalawigan ng Surigao del Sur .
Ayon kay AFP-Eastmincom Spokesman Captain Alberto Caber, wala sa polisiya ng militar ang makipagnegosasyon sa mga rebelde.
Kabilang sa apat na bihag na pulis ay kinilalang sina PO3 Vic Concon, PO1s Rey Morales, Joen Zabala at Edito Roquino; pawang kasapi ng Alegria Municipal Police Station (MPS) na nabihag matapos salakayin ang Alegria Municipal Police Station (MPS) noong Hulyo 10 kung saan dalawang pulis ang nasugatan at 3 rebelde ang napatay.
“If they want to release the policemen, they can do it without condition”, wika ni Major Gen. Ricardo Visaya, Commander ng Army’s 4th Infantry Division.