25,856 silid-aralan wasak kay ‘Glenda’

MANILA, Philippines - Nawasak ang may 25,856 na  silid-aralan sa 12 rehiyon dulot ng pananalasa ng bagyong Glenda sa Luzon.

Kabuuang 187 paaralan sa ngayon ang ginagamit bilang  pansamantalang evacuation centers simula pa noong umpisahan ang paghahanda sa pananalasa ng bagyo.

Nabatid na ang pondo para sa pagkukumpuni ay magmumula sa P650-milyong quick response funds ng departamento.

 

Show comments