Lolo, lola natagpuang patay

MANILA, Philippines - Kapwa natagpuang patay ang isang lolo at isang lola sa magkahiwalay na lugar sa  Caloocan City at Maynila.

Sa Caloocan City ay nakilala ang nasa­wing lolo na si Manuel Regualos Jr., 76-anyos, ng Abby II, PNR Cmpd., ng lungsod.

Sa salaysay ng isang Mona Hong, alas-10:30 ng umaga ay naglilinis siya ng bakuran nang mapansin ang biktima na nakahandusay sa loob ng inuupahan kuwarto sa nasabing lugar.

Hindi na ito  humihinga nang lapitan ni Hong na naging dahilan upang itawag sa mga pulis. 

Sa Binondo, Maynila isang hindi pa nakikila­lang lola ang humiga sa bangketa ngunit hindi na nagising pa.

Sa ulat, dakong alas-8:40 ng umaga nang matagpuang patay ng mga tindera ang biktima, nasa 60-70 anyos, may taas na 4’11” hanggang -5”, nakasuot ng printed blouse at kulay itim na tokong at naka-sandals, sa may sidewalk ng Meixic St. kanto ng  Juan Luna.

Iniimbestigahan pa rin kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng lola.- Danilo Garcia, Ludy Bermudo, Patrick Andal

Show comments