Mosyon ni Jinggoy na makapagpiyansa muling iniliban

MANILA, Philippines - Sa muling pagkaka­taon ay ipinagpaliban ng 5th division ng Sandiganbayan ang pagdinig sa mosyon ni Senador Jinggoy Estrada na makapag-piyansa ito kaugnay ng kanyang  kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.

Sinabi ni Sandiganba­yan, hindi pa maisasagawa ang pagdinig sa motion to bail ni Estrada dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa  natatapos ang isinasagawang pagmamarka sa mga dokumentong ebe­densiya kaugnay ng kaso.

Ang naturang mga document evidence ay ang libong dokumento na dala kamakailan ni Atty. Vic Tagura Escalante Jr., nang isalang sa witness stand.

Sa mga dokumentong ay malalaman kung maaa­ring makapagpiyansa si Estrada kaugnay ng kaso.

Malinaw anya, na batay sa kanilang commitment order ay idedetine si Estrada kasama ng iba pang mambabatas sa PNP Custodial center na kapwa akusado kaugnay ng pork scam.

Show comments