P-Noy inatake ang SC sa DAP ruling

MANILA, Philippines - Inatake ni Pangulong Aquino sa kanyang speech sa telebisyon ang Supreme Court sa naging desisyon nito ng ideklarang unconstitutional ang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sinigurado ni Pangulong Aquino sa kanyang mensahe sa kanyang mga ‘boss’ na iaapela ng gobyerno ang naging desisyon ng SC.

Nanindigan pa ang Pangulo na walang paglabag sa batas ang paggamit ng gobyerno sa savings para pabilisin ang mga slow-moving projects.

Ipinaliwanag pa ng Pangulo, mabuti ang DAP dahil tama ang intensyon at tama ang pamamaraan kaya tama rin ang naging resulta nito.

 

Show comments