Taxi driver binoga sa ulo

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang 35-anyos na taxi driver nang ito ay barilin ng dalawang beses sa ulo habang nakatayo malapit sa kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinila­lang si  Nep­thalie Escolano, ng Brgy. Pasong Putik. Habang mabilis na tumakas ang suspek na nakasuot ng itim na jacket at sombrero.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril dakong alas-6:30 ng gabi ay nakatayo ang biktima malapit sa kanyang bahay sa Block 38, Lot 16, Ilang-Ilang St., Brgy. Pasong Putik at pinagmamasdan ang naglalaro ng baraha.

Ilang sandali ay sumulpot ang suspek at nagbunot ng baril at walang kaabug-abog na pinaputukan ng dalawang beses sa ulo ang biktima.

 

Show comments