Nars nagbigti

MANILA, Philippines - Isang dalagang nurse ang natagpuang patay habang nakabigti sa loob ng kanyang kuwarto sa Quezon City kamakalawa.

Kinilala ang nasawing si Christine Reondanga, 27, registered nurse at nanunuluyan sa 100 Bayani St., Brgy. Santol.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang matagpuan ang biktima ng pinsang si Danny John Salazar sa kanyang kuwarto na  nakabigti matapos na hindi ito sumasagot at ayaw pagbuksan ang kuwarto.

Malaki ang hinala ng pulisya na may malaking problema na kinakaharap ang biktima na hindi nito nasasabi sa pamilya.

 

Show comments