Taxi driver utas sa holdap

MANILA, Philippines - Inatado nang saksak ng tatlong holdaper ang isang taxi driver nang ito ay pumalag habang hinoholdap kamakalawa sa EB Magalona, Negros Oriental.

Ang nasawi dahil sa dalawang tama ng saksak sa dibdib ay kinilalang si Alejandro Jarina, 57, ng Sagay City.

Naaresto sa follow-up operations ang tatlong suspek na sina Romeo Toting Jr., obrero sa Ha­cienda Gaston sa bayan ng Manapla; Jose Salvador Maribuhok at Rommel Paabot; pawang mga trabahador naman sa Ha­cienda Teresa, Brgy. Alicante, EB Magalona.

Batay sa ulat, bandang alas-2:00 ng madaling-araw nang parahin ng mga suspek ang minamanehong taxi ni Jarina sa Silay City at kinontrata  ito patungong  EB Magalona.

Pagsapit sa tubuhan sa Hacienda Clarita, Brgy.San Jose, EB Magalona ay agad na tinutukan ng patalim ng mga suspek ang biktima sabay deklara ng holdap.

Nanlaban ang biktima kung kaya’t sinaksak ito at nagawang makalabas ng taxi ay nagsisigaw sa paghingi ng tulong at ilang saglit ay bumulagta ito.

Narekober sa crime scene ang mga tsinelas, bullcap, t-shirt at iba pa na pag-aari ng mga suspek.

 

Show comments