2 bangkay ng lalaki nakabulagta sa kalye

MANILA, Philippines - Mismong sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue sa Barangay  Amoranto, Quezon City natagpuan ang bangkay ng dalawang lalaki kahapon ng umaga.

Kapwa naliligo sa sa­riling dugo ang dalawang la­laki na kapwa nasa 20 anyos pataas at ang isa rito ay na­ka­suot ng itim na t-shirt.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng kamatayan ng dalawang biktima na hinala ng ilan sa lugar ay nahulog ang mga ito sa pader dahil malapit ang mga ito sa mataas na  pader ng La Loma Cemetery.
Nabatid na ganap na alas-5:00 ng umaga kahapon nang ireport ng mga taxi driver ang mga bangkay sa Manila Police sa pag-aakalang sakop ito ng lungsod.

Sinasabing ang mga biktima ay kakilala ng mga residente sa pinangyarihan ng krimen at ayaw naman magbigay ng anumang detalye hinggil sa nabanggit na insidente.

 

Show comments