AFP Chief bababa na sa puwesto

MANILA, Philippines - Kaugnay ng nakatakda nitong pagbaba sa puwesto sa susunod na linggo ay nag-iimpake na si outgoing Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista.

Si Bautista, produkto ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1981 ay ikaapat na Chief of Staff sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Si Bautista ay naka­takdang bumaba sa puwesto sa darating na Biyernes (Hulyo 18) o 2 araw bago ang kaniyang ika-56 kaarawan, ang compulsory age retirement sa AFP.

Una nang sinabi ni Bautista na nais niyang magbakasyon muna ka­sama ang kaniyang pa­milya matapos magretiro.

Kabilang naman sa mga contenders na mahigpit na magkalaban bilang successor ni Bautista ay sina AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Gregorio Pio Catapang, mistah ng Chief of Staff sa PMA Class 1971; Phi­lippine Air Force (PAF)Chief Lt. Gen. Jeffrey Delgado, produkto naman ng PMA Class 82; Philippine Army Chief Lt. Gen.Hernando Iriberri mula naman sa PMA Class ’83 at Vice Admiral Jesus Millan, Flag Officer in Command ng Philippine Navy, mistah naman ni Delgado sa PMA Class ’82.

Inihayag ni Bautista  na lahat ng mga con­tenders ay kuwalipikado at sinuman ang humalili sa kaniya sa puwesto ay ‘in good hands’ ang AFP.

 

Show comments