Tibo nagbigti sa puno

MANILA, Philippines - Hindi umano naka­yanan ng isang 19-anyos na tomboy ang nararanasang depresyon mula sa pamilya na kinaiinisan ang pagiging tibo nito kung kaya’t nagbigti kamakalawa sa Alfonso, Cavite.

Dakong alas-6:00 ng gabi nang madiskubreng nakabigti sa puno ng rambutan sa Barangay Marahan 2 ang biktima na itinago sa pangalang Apple, ng Barangay Marahan 1.

Sa salaysay ng kapatid ng biktima na si Jay ilang araw bago ang insidente ay nagsabi pa ang biktima sa dinadaanang problema dahil sa hindi pagkakaunawaan sa pamilya sa kanyang pagiging tomboy.

 

Show comments