Mister todas sa Hapones

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 45-anyos na mister matapos na ito ay masalpok ng sasakyan ng isang Hapones habang naglalakad kamakalawa ng gabi sa Bacao-Epza Diversion Road, Brgy. Bacao 2, Gen Trias, Cavite.

Kinilala ang nasawing si Jesus Dela Cruz, ng Brgy. Sta. Rosa 1. Noveleta Cavite. Habang nadakip ang suspek na si Akihiro Teramoto,  28, Japanese national, binata, supervisor at residente ng #1408 Antel Seaview Tower, Roxas Blvd., Pasay City.

Sa ulat, alas 7:30 ng gabi habang naglalakad ang biktima sa gilid ng kalsada nang bigla itong salpukin ng kotse (ZCJ-926)  ng Hapones.

Kinasuhan ang Hapones ng reckless imprudence resulting to homicide.

Show comments