SRP sa bawang ipapatupad ng DA

MANILA, Philippines - Magpapatupad ng “suggested retail price” sa presyo ng bawang ang Department of Agriculture dahil sa mataas na presyo nito sa pamilihan.

Sa ginawang pagdinig kahapon ng Senate Committee on Agriculture and Food kaugnay sa mataas na presyo ng bawang ay nasa P40 bawat kilo samantalang sa imported na bawang ay P17 per kilo na kasama na ang bayad sa buwis.

Wika ni Senator Cynthia Villar na nakakapagtaka na umaabot sa P280 hanggang P300 per kilo ng bawang kaya maliwanag na nagkakaroon ng price manipulation.

Ayon kay Villar walong porsiyento lamang ng bawang na ibinebenta sa merkado ang lokal samantalang halos lahat ay imported o nanggagaling sa ibang bansa.

Ang mga nag-i-import aniya ng bawang ay mga kooperatiba o kaya ay mga traders kaya sinusubukan na ngayong tukuyin kung sino ang traders na nagsasagawa ng manipulasyon ng presyo.

Show comments