MANILA, Philippines - Para makontrol ang presyo ng bigas sa merkado ay magtatakda ng suggested retail price (SRP) ang gobyerno.
Ito ang napagkasunduan sa pulong ng House Committee on Agriculture at Food Security na kung saan ay naroon si Presidential Assistant for Food Security and Agricultural modernization Secretary Francis Pangilinan.
Kumbinsido si Pangilinan na makakatulong sa pagtatakda ng SRP para mabalanse ang presyo ng bigas sa merkado.
Ayon pa kay Pangilinan, pag aaralan pa rin ng gobyerno ang rekomendasyon ng mga kongresista na magpatupad ng price control sa bigas para mapigilan ang lalo pang pagtaas nito.
Pinag aaralan na rin ng National Food Authority Council ang posibilidad na pagtataas ng multa sa mga negosyanteng nagbebenta sa masyadong mataas na presyo.