MANILA, Philippines - Nabatid kahapon mula sa Department of Health (DOH) na ang pag-donate o pagbibigay ng dugo ay lunas sa sakit sa puso.
Bunsod nito ay hinikayat ng DOH–Mindoro Marinduque Romblon Palawan(MIMAROPA) ang mga residente lalo na ang mga kabataan na mag-donate ng dugo upang mapataas ang kuwalidad at supply ng dugo at blood products sa rehiyon.
Sinabi ni DOH Regional Director, Dr. Eduardo C. Janairo, na ang pagdo-donate ng dugo ay mahalaga dahil naiiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso ng isang blood donor.
Ayon naman kay Dra. Alice Fetalvero, Chairman ng Romblon Provincial Blood Control na mahalagang makapag-donate ng dugo para sa healthy lifestyle habang pinalalakas ang katawan ng mga donors.
Bukod pa rito, nakakapagligtas din ng buhay ang paghahandog ng dugo.
Mas maigi rin ani Dra.Fetalvero na ugaliing mag-donate ng dugo tuwing ikatlong buwan ng taon lalo na ang mga kabataan.