MANILA, Philippines - Kasong administratibo ang kinahaharap ngayon ng 90 police officers na una nang nasampulan ng pagkakasibak sa puwesto nang madisÂkubreng nanduktor ng crime data sa kanilang nasasakupan.
Kabilang sa mga police officers na nasibak sa puwesto at ipinasasalang sa kasong administratibo ay 10 Provincial Directors at 80 Chief of Police at mga Station Commanders sa iba’t ibang panig ng bansa.
Nabatid na dinudoktor umano ng mga opisyal ang crime data sa kanilang hurisdiksyon upang palitawin na maganda ang imahe ng PNP sa kanilang nasasakupan.
Sa tala, noong 2012 ay mayroon lamang kabuuang krimen na naireport na umaabot sa 277,812 insidente. Kabilang dito ay 21.5% ng physical injuries, 14% ng theft, 5% ng robbery, 1% ng carjacking, 0.62% ng homicide at 0.88% naman ng murder.
Sa taong 2013 base sa isinumiteng ulat ng mga opisyal ay umabot naman sa 1,033,833 M ang naitalang mga krimen na lumobo matapos na magpatupad ng reporma ang PNP o tamang pagre-report ng crime volume.
Aminado naman ang opisyal na bagaman at tumaas ang crime volume ay tumaas rin ang crime solution efficiency ng PNP.
Isinusulong na ng PNP ang bagong database hinggil sa pagre-record ng mga insidente ng krimen o ang Crime Incident Recording System (CIRS).