MANILA, Philippines - WALONG babae at 16 na lalaki ang dinampot ng pinagsanib na puwersa ng Caloocan City Police at lokal na pamahalaan sa inilunsad na “Oplan Magdalena at Oplan Bakal†sa ilang nightclub sa lungsod kahapon ng madaling araw.
Unang sinalakay ng mga tauhan ni Sr. Insp. Lolit Lucas, hepe ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Northern Police District (NPD) ang Van Patrick Grill bago tinungo ang Bodies Point na pawang nasa Tala District, Barangay Camarin makaraang makatanggap ng impormasyon na pawang mga walang kaukulang working permit ang mga nagtatrabaho sa mga naturang bar.
Kasama ng grupo ng WCPD ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG), District Special Operations Unit (DSOU) at Bureau of Permit and Licensing Office (BPLO) ng Caloocan city hall nang isagawa ang operasÂyon sa ilalim ng “Oplan Magdalena†at “Oplan-Bakalâ€
Ang walong babae sa tanggapan ng Social Welfare and Development Office ng lokal na pamahalaan habang sa headquarters ng Caloocan police naman ang 16 kalalakihan upang maberipika kung may mga kinakaharap silang kaso.
Inaalam na ng mga awtoridad kung may kaukulang business at license permit ang sinaÂlakay na bar kasunod ng rekomendasyon sa tuluÂyang pagpapasara sa natuÂrang mga establisimiento.