4-Anyos nakainom ng silver cleaner

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 4-anyos na batang lalaki matapos na makainom ng silver cleaner sa kanilang bahay sa Pasay City noong Sabado ng umaga.

Kinilala ang nasawing si Rheven Mendoza, ng 101 D. Santiago St., Pasay City.

Sa naantalang ulat ng pulisya, dakong alas-7:11 ng umaga nang makita ng ina na si Romela, 27 ang anak sa loob ng  kanilang tindahan na walang malay.

Kaya’t dinala niya ito sa ospital at lumalabas sa resulta ng pagsusuri ni   Dr. Reginaldo Panopio na ang ikinamatay ng bata ay sanhi ng cyanide ingestion na pinaniniwalaang nakainom ito ng silver cleaner solution.

Ayon sa ina ng bata na hinala niya na aksidenteng nainom ng kanyang anak ang silver cleaner solution na nakalagay sa isang boteng plastic na nakalagay sa tindahan.

 

Show comments