MANILA, Philippines - Nais ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na paimÂbestigahan sa Senado ang napaulat ang “VIP prisoners†o ang mga bilanggong namumuhay ng maluho kahit sa loob ng kulungan.
Nakatakdang ihain ni Santiago ang Senate Resolution No. 525 na naglalayong imbestigahan ng kinauukulang komite sa Senado ang aniya’y anomalous situation sa New Bilibid Prison.
Nakarating kasi sa kaalaman ng senadora na may mga bilanggo sa NBP na nakatira sa aircondition rooms, nagmamaneho ng golf carts, electric motorcycles at tricycles, maging ang paggamit ng illegal na droga, alak pati ang pagpapasok ng GRO.
Una nang inihain ni Santiago ang Senate Bill No. 1759, o “No Frills Prison Bill†na nagtatakda ng aveÂrage standard living conditions ng bawat bilanggo.