MANILA, Philippines - Nagtapos ang mala-palos na pagtatago ng pangunahing suspek sa pagpatay sa tatlong katao sa Navotas City makaraang ipagkanulo ito ng kanyang nunal at maaresto ng pulisya kamakalawa ng hapon sa Olongapo City.
Ang suspek ay kinilalang si Jay Amar, 27, may-asawa, ng Barangay Kalaklan na itinuturong nagmasaker sa live-in partner na si Jocelle Dinolag na noon ay anim na buwang buntis, at mga magulang nito na sila Cecillo at Rosa Leticia pawang ng Kalye Impiyerno, Tabing-dagat, San Roque, Navotas City noong Disyembre 2013 gamit ang kalibre .45 mm at .9 mm baril.
Nabatid na namukÂhaan ang suspek ng mga otoridad batay sa pagsasalarawan ng mga saksi na ito ay may nunal sa kanang pisngi.
Inamin ng suspek na kaya niya pinatay ang live-in partner at magulang nito dahil sa ginagawang pang-aabuso umano ng mga ito sa kanyang anak sa unang asawa tulad ng pagpapaÂkain ng basura sa bata.
Matapos ang krimen ay umuwi ito sa tunay na asawa sa Olongapo na kung saan dito siya naispatan ng mga otoridad.