BP ni Bong tumaas

MANILA, Philippines - Matapos isailalim sa medical examination sa Multi Purpose Center ng Camp Crame si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., ay bahagyang tumaas ang blood pressure na pumalo sa 140/90.

Ito ang inihayag Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, Chief ng PNP Public Information Office (PNP-PIO) matapos itong suriin ng mga doktor ng PNP bilang bahagi ng booking procedure .

“Senator Revilla’s blood pressure was slightly high it’s 140/90. He was very tired due to lack of sleep”, ayon sa opisyal.

Nabatid na kulang sa tulog ang Senador bago pa man ang nakatakdang boluntaryo nitong pagsuko sa Sandiganbayan na ayon sa mga doktor ay siyang posibleng sanhi ng bahagyang pagtaas ng blood pressure nito.

Show comments