Doktor nalunod sa ‘Enchanted river’

MANILA, Philippines - Hindi na nakalabas ng buhay ang isang bete­ranong doktor matapos malunod sa Enchanted River, Brgy. Talisay, Hinatuan, Surigao del Sur kamakalawa.

Nakilala  ang nasa­wing biktima na si Dr. Alfonso “Doc Boy” Ycong, physician, 67 anyos, Pre­sident ng Filipino Cave Divers Association at residente ng Sacred Heart Village, Gon-ob, Lapu-Lapu City , Cebu.

Ang mga ito ay nagsagawa ng diving sa kuweba ng Enchanted River gamit ang kanilang mga dive-gears.

Gayunman, habang nagda-diving ang tatlo ay  biglang lumakas ang agos kung saan tinangay ang  nasabing doktor hanggang sa malunod.

Nagawa namang makalangoy patungo sa may batuhan ng dalawang diver instructor kaya nakaligtas ang mga ito.

Nabatid na libangan ng nasabing doktor ang diving at dumarayo pa sa iba’t-ibang lugar  kasama ang kaniyang mga kaibi­gang diver instructor.

Nagsagawa naman ang search and retrieval operation ang grupo ng Diver Team mula sa Surigao City upang iahon ang bangkay ng biktima.

 

Show comments