Erap: Jinggoy, ’di naging maingat sa PDAF; na-set up

MANILA, Philippines -  Hindi naging maingat sa kanyang   Priority Deve­lopment Allocation  Fund (PDAF) si  Jinggoy.

 Ito  ang paniniwala ng dating  Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada kung kaya’t nahaharap ngayon sa malaking  kontrobersiya  at  kaso ang kanyang anak na si Senador Jinggoy Estrada.

Ayon sa Alkalde, hindi na  inalam pa ni  Jinggoy  ang mga non-governemnt organization na kanyang bibigyan ng kanyang  pondo at ipinaubaya lamang sa kanyang mga tauhan ang  implementasyon nito.

Giit ni Estrada, ang  Department of Budget and Management (DBM)  at ang implementing agency ang dapat na  mag imbestiga kung  bogus ang  isang  NGO, kaya malaki ang posibilidad na na-set-up ang senador.

Ayon  pa kay Estrada, malaki rin ang kanyang paniniwala na  naturuan  na ng kanyang sasabihin si Ruby Tuason dahil kailangan nitong isalba ang  kanyang  sarili mula sa pagkakasangkot  sa pork barrel  scam.

 Tiwala rin  si  Estrada na malalampasan ni Jinggoy  ang  kasong plunder na isinampa  laban dito kasama sina Senator Bong Revilla at Juan Ponce Enrile.

 

Show comments