May sakit na cancer, nag-suicide

MANILA, Philippines - Hindi na umano makayanan ng isang mister ang  sakit na cancer kaya’t nagpasya ito na tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Buna Cerca, Indang, Cavite kamakalawa.

Kinilala ng pu­lisya ang nasawing si Constancio Crucena, 66-anyos, may-asawa.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang pagbaril sa ulo ng biktima dakong alas-12:30 ng tanghali ay tinawag ito ng kanyang misis  para mananghalian, subalit tumanggi ito.

Kaya’t nauna nang kumain ang misis at iba pang kaanak na manang­halian hanggang sa makarinig sila ng putok ng baril  mula sa kwarto ng biktima.

Agad nilang tinungo ang kuwarto at dito ay nakita nila ang duguang katawan ng biktima na nakahiga katabi ang kalibre 38 baril revolver.

Ayon sa misis ng biktima na pinayuhan sila ng doktor na mag-chemotherapy, subalit tumanggi ang biktima dahil na rin sa malaking gastos at simula noon ay na­ging malungkutin ito at laging tulala.

Show comments