MANILA, Philippines - “Sacrificial lamb†lamang ng Malacañang si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) director-general Joel Villanueva upang ipakita sa publiko na kahit kasama sa administrasyon ay hindi sasantuhin kaugnay sa PDAF scam.
Ito ang paniniwala ni Sen. Jinggoy Estrada at nagtatanong ito kung bakit si Sec. Villanueva lamang na kakampi ni Pangulong Benigno Aquino III na sinasabing kabilang sa 3rd batch na kakasuhan ng Department of Justice (DOJ) sa Ombudsman kasama si Sen.Gringo Honasan kaugnay ng pork barrel fund scam at wala sa listahan si Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II na kabilang sa natuklasan ng COA na may iregularidad sa paggamit ng pork barrel nito.
Malinaw na kaya kakasuhan si Villanueva ay upang palabasin sa publiko na walang ‘sacred cow’ sa Aquino government at hindi lamang ang oposisÂyon ang target ng pagsasampa ng kaso.
Si Villanueva na dating Cibac partylist representative ay hindi miyembro ng Liberal Party (LP).
Kinuwestyon din ni Sen. Ramon Revilla Jr. kung bakit hindi kasama sa 3rd batch ng kakasuhan sina Budget Secretary Florencio Abad at Agriculture Secretary Proceso Alcala na pawang mga miyembro ng Liberal Party.
Samantala, inihayag ni Villanueva na handa siyang magbitiw sa kanyang tungkulin sakaling sabihan siya ni Pangulong Aquino na wala na itong tiwala sa kanya.
Maituturing nitong masakit na tsismis ang pagkakadamay ng pangalan sa balita dahil wala namang opisyal na pahayag ang DOJ.