MANILA, Philippines - Umaabot sa mahiÂgit sa P1 milyon halaga ng shabu na nakalagay sa bag ang natagpuan sa banyo ng isang fast food restaurant sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.
Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon nang matagpuan ng isang crew ng Jollibee-Sangandaan ang isang bag sa banyo.
Kaagad niya itong ipinaalam sa nakatalaÂgang sekyu na tumawag ng pulis sa pangambang bomba ang laman.
Nang rumesponde ang mga bomb expert ng Caloocan City Police ay siniyasat ang laman at dinala sa ligtas na lugar at nang buksan ay nakita ang mga shabu na aabot sa mahigit isang kilo.
Tinitingnan ng pulisÂya ang kopya ng CCTV upang makilala kung sino ang nag-iwan ng nasabing bag ng shabu.