MANILA, Philippines - Malapitang binaril ang isang bilyonaryong negosÂyante ng Cebu na may-ari ng Crown Regency Group of Hotels at Vital Health Products ng nag-iisang gunman sa loob ng opisina nito sa Brgy. Obrero, Davao City kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na namatay noon din dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Richard Lim King, 56-anyos.
Batay sa ulat, bandang alas-6:45 ng gabi ay naghahanda na para maghapunan ang biktima sa loob ng opisina nito sa Vital C Inc., na matatagpuan sa kanto ng Sobrecarey at Lacson Sts., Brgy. Obrero ng lungsod na ito nang pasukin ng nag-iisang suspek at malapitang binaril sa ulo.
Matapos bumagsak ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek na sumakay sa naghihintay na motorsiklo sa labas ng gusaling pag-aari ng biktima.
Nabatid na ang biktima ay nagtungo sa Davao City para dumalo sa closing ceremonies ng Vital C Wellness training seminar sa lungsod.
Si King ay Pangulo at Executive Officer ng J. King and Sons Inc, Fuente Triangle Realty Development Corporation (FTRDC), deveÂloper ng Crown Regency, Club Ultima, the Ultima Residences Fuente Tower, Ultimate Residences Ramos ToÂwer at founder at Director ng Boracay Multiple Properties Inc.
Ang biktima na taga Cebu City ay maraming negosyo na karamihan ay nakabase sa Western at Central Visayas bukod pa sa sangay nito sa Davao City.
Blangko pa rin ang pulisya kung sino ang suspek dahil sa majority ng business associates ng biktima ay nasa Boracay at Cebu at nagkataon na walang kasamang bodyguard ang biktima nang mangyari ang krimen.
Kasalukuyan ring nakikipagkoordinasyon at kinukuwestiyon ng mga awtoridad ang mga empleyado ni King dahil walang guwardiya ang gusali nito at wala ring closed circuit television (CCTV) camera na makakatulong sana para matukoy ang salarin.
Iniimbestigahan rin ng mga otoridad kung may death threats o may nakagalit sa negosyo ang biktima bago naganap ang krimen.