MANILA, Philippines - Isa sa itinuturing na “most wanted terrorist†sa buong mundo na nasa talaan ng Estados Unidos at isa sa mataas na lider ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang nadakip sa isinagawang operasyon ng security forces ng Pilipinas kahapon ng umaga sa Parañaque City.
Ang suspek ay kinilaÂlang si Khair Mundos, isa sa matataas na lider at top financier ng Abu Sayyaf at may patong sa ulo na P5.3-M at karagdagang $500,000.00 mula sa pamahalaan ng Estados Unidos.
Batay sa ulat, bandang alas- 9:30 ng umaga nang masakote ng security forces si Mundos sa kahabaan ng A. Bonifacio St., Brgy. San Dionisio, Parañaque City na dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) 12 Judicial Region Branch 17 sa Kidapawan City at walang inirekomendang piyansa.
Nabatid na si Mundos ay galing pa umano sa Isabela City, Basilan nang magtungo ito sa Metro Manila.
Magugunita na noong Mayo 2004 ay nasakote na si Mundos sa kasong money laundering na isinampa laban sa teroÂristang grupo.
Si Mundos umano ang tumatanggap at namamahala sa pondo ng Abu Sayyaf na nagmumula sa Al Qaeda at maging sa Jemaah Islamiyah terrorist na ginagamit sa pambobomba ng bandidong Abu Sayyaf sa buong Mindanao.
Noong Pebrero 2007 ay nakatakas si Mundos sa provincial jail ng Kidapawan City kung saan sa ilalim ng pamumuno nito sa inilunsad na serye ng pamboÂbomba ng Abu Sayyaf ay maraming mga sunÂdalong Pinoy at maging ang US servicemen ang nasawi sa Mindanao Region.