MANILA, Philippines - Nasa hot water ang warden ng Manila City Jail (MCJ) matapos na makakumpiska ng mga ipinagbabawal na kagamitan, armas at P300,000 sa isinagawang greyhoud operation sa kanyang nasasakupan na kulungan.
Sinabi ni Bureau of Jail Management and PenoÂlogy (BJMP)-National Capital Region Senior Supt.Romeo Vio na nagsagawa na sila ng imbestigasyon at hinihintay na lang ang resulta bago ang pagbaba ng desisyon kung dapat na sibakin o hindi si MCJ Jail warden Supt. Baby Noel Montalvo.
Nabatid na nagsagawa ang BJMP-STAR team ng greyhound sa koordinasyon ng Regional Intelligence Division at nakumpiska ang isang.380 pistola, mahigit sa 100 piraso ng marijuana leaves at shabu, P300,000, isang laptop, ilang piraso ng cell phones at deadly weapons na kinokonsederang kontrabando na nasamsam mula sa selda o dorms 9 at 10 ng Batang City Jail.
Sa ilalim ng alintunin ng BJMP, ang pagkakakumpiska sa mga nasabing items sa pasilidad ng piitan ay nangangahulugan ng pagsibak sa warden nangangalaga rito.
Si Montalvo ay umupo sa MCJ noong July 7 ng nakaraang taon.