JV dadalawin si Jinggoy sa kulungan

MANILA, Philippines - Dadalawin niya sa kulungan ang kanyang kapatid sa ama na si Senator Jose “Jinggoy” Estrada sakaling magpalabas na ng warrant of arrest ang Sandiganbayan para sa tatlong senador na nahaharap sa kasong plunder.

Ito ang tiniyak ni Senator JV Ejercito sa napipinto pagkulong sa kanyang kapatid at kina Senators Ramon Bong Revilla Jr., at Juan Ponce Enrile.

Sinabi ni Ejercito na nalulungkot siya para sa kapatid dahil nararamdaman niya ang pinagdaraanan ng pamilya nito.

Pero, mabuti na rin aniya na magkaroon ng tamang forum para malinis ni Jinggoy ang kanyang pangalan kaugnay sa P10 bilyong pork barrel fund scam.

Magugunita na isa si Ejercito sa bomoto ng pabor sa committee report ng Senate Blue Ribbon Committee na nagrerekomenda sa pagsasampa ng plunder case sa mga senador na nasangkot sa pork  barrel fund scam.

 

Show comments