Miyembro ng gang, tinodas habang naglalakad

MANILA, Philippines - Tinadtad ng bala ang isang lalaki na miyembro ng isang gang nang ito ay pagbabarilin habang naglalakad kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Namatay noon din ang biktima na si George Lopez, 32, ng Flovi Homes, Barangay Tonsuya. Habang ginagamot naman sa Pagamutan Lungsod ng Malabon ang isang Mark Anthony Arcon, matapos tamaan ng ligaw na bala.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi habang naglalakad ang biktima sa palengke nang pagbabarilin  ito ng hindi pa kilalang suspek na kung saan ang ibang bala ay tumama kay Arcon.

Nababahala na ang mga residente sa nasabing lugar dahil sa sunod-sunod na patayan kung saan ang huling napatay ay si dating  Barangay Captain Jojo Cruz.

Show comments