MANILA, Philippines - Patay ang isang 34-taong gulang na construction worker nang barilin sa ulo ng hindi pa kilalang salarin, habang naglalakad palabas ng kanilang bahay, sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng umaga.
Agad na nasawi ang biktimang si James Bautista, resi- dente ng #101 Block 8, Baseco Compound, Port Area.
Mabilis namang tumakas ang suspek na inilarawan sa edad na 35-40, nasa 5’7 hanggang 5’8 ang taas, nakasuot ng itim na t-shirt at green na jacket.
May dalawang linggo na umano na nakikitang nagpupunta sa bahay ng biktima ang suspek, bagamat hindi umano ito kilala ni Emily Tinebroso, live-in partner ng biktima.
Sa ulat ni PO3 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, alas- 6:00 ng umaga nitong Sabado nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima.
Mismong ang biktima lang umano ang nakakakilala sa suspek dahil narinig pa ni Emily ang sinabi sa suspek na “Pare saka ka na lang bumalik, hindi kita mahaharap ngayon dahil me pasok ako.â€
Maya-maya ay nakarinig na umano ng putok ng baril si Emily at nakitang duguang tumumba ang kanyang kinakasama.