Titser sinaksak ang sarili

MANILA, Philippines - Agaw buhay ang isang guro nang saksakin nito ang sarili sa loob ng kanilang bahay sa Zamboanga City dahil sa mabigat na dina­dalang problema.

Ang nasawi ay kinila­lang si Amor Foncardas, titser sa Pillar College sa lungsod  at residente ng Brgy. Culianan.

 Sa ulat, naganap ang insidente sa bahay ng guro bandang alas-6:08 ng umaga na kung saan ay naglaba muna ito at pagkatapos ay pumasok ng banyo at dito isinagawa ang pagsaksak ng maraming beses sa tiyan at dibdib.

Napilitan naman ang mga kasambahay ng biktima na wasakin ang pintuan ng kanilang banyo dahilan hindi lumalabas ang biktima.

 Nang mabuksan ang pinto ay dito na tumambad ang duguang katawan ng ginang at mabilis na isinugod  sa Western Mindanao Medical Center para malapatan ng lunas.

 

Show comments