MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang negosÂyanteng Tsinoy nang pagbabarilin ito habang sakay ng kanyang SUV ng dalawang lalaki na nakamotor kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.
Ang biktima ay kinilalang si Jason Chua, 44, may-asawa, negosÂyante at residente ng no.1322 Golden Empire Tower, Roxas Boulevard, Pasay City.
Sa ulat, dakong alas-10:10 ng gabi ay papauwi na ang biktima sakay ng Ranger Rover (ZI-1055) mula Century Park Seafood Restaurant at pagsapit sa kanto ng P. Ocampo at Mabini Sts., Malate ay sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ito.
Nabatid na nagkita-kita ang biktima at mga dating kaklase sa high school sa nasabing seafood restaurant bago ang insidente.
May hinala ang pulisya na may kaugnayan sa negosyong plastic products ng biktima ang ginawang pananambang ng mga hindi pa kilalang suspek.