Pamilya, 3 timbog sa shabu

MANILA, Philippines - ‘The family that sell together, jail together’.

Mistulang ganito ang slogan ng isang pamilya matapos ang isang mag-asawa at kanilang anak ay nadakip sa isang buy bust operation, kamakailan sa Cagayan de Oro City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Rolly Alawi, 63, dating kawani ng city hall; misis nitong si Salam, 51; at anak na si Jalil, 30, cell phone technician. 

Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon ay nagpanggap na poseur buyer ang isang miyembro ng PDEA Regional Office 10 (PDEA RO10) sa bahay ng mga ito sa Yacapin Extension, Barangay 35, Cagayan de Oro City.

Nang iaabot ng mga suspek ang items ay dito na sila dinakip at nakumpiska ang 18 plastic sachets ng shabu, na tumitimbang ng 35 gramo, drug paraphernalias, isang kalibre. 45 pistola na may walong pirasong bala, isang Honda motorcycle (1940-KR) at isang kulay berde na Toyota Revo (WTX-635).

Show comments