2 pusher utas sa drug bust

Ang isa sa dalawang drug pusher na napatay ng mga pulis sa naganap na buy bust operation kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Commonwealth, Quezon City.- Bening Batuigas-  

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na hinihinalang drug pusher ang nasawi nang makipag­barilan sa mga otoridad sa naganap na buy bust operation kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Commonwelth, Quezon City.

Ang isa sa mga suspek ay kinilalang si alyas Macmac, tadtad ng tattoo tulad ng Sputnik gang at “Only God can judge me, 1990”, may taas na 5’4”, nasa pagitan ng edad na 25-30.

Habang ang isa naman ay nasa pagitan ng edad na 30-35, may taas na 5’5”, katamtaman ang panga­ngatawan, at nakasuot ng kulay pulang t-shirt at pu­ting short pants.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-2:30 ng mada­ling-araw sa kahabaan ng Katuparan St., Barangay Commonwealth ay nagpanggap ang isang pulis na buyer at bibili ng 50 gramo ng shabu sa mga suspek sa halagang P100,000.

Habang mag-aabutan na ay nakilala ng mga suspek na pulis ang kanilang ka-deal kaya’t nanlaban ang mga ito na nauwi sa palitan ng putok ng baril.

Narekober sa dala­wang suspek ang isang kalibre .45 at isang kalibre .38, gayundin ang 50 gramo ng shabu at kinarnap na motorsiklo na gamit ng mga ito sa transaksyon.

 

Show comments