MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang nasawi kaugnay ng dalawang naaksidenteng trak na naganap sa Quezon City at Taytay, Rizal.
Sa Quezon City ay hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Wilfredo Reyes, 51, ng Sta. Maria, Bulacan matapos sumalpok ang minamaneho niyang dump truck sa sinusundang 10-wheeler truck sa bahagi ng Katipunan Avenue, Quezon City, kahapon ng alas-4:15 ng madaling araw.
Sa lakas ng impact, nawasak ang unahang bahagi ng minamanehong truck ng biktima kung saan siya naipit sa upuan.
Hindi naman umaÂbot ng buhay sa ospital ang biktimang si Domingo Francisco, ng Tikling, Barangay Dolores, Taytay matapos
na maipit ng trak na may kargang buhangin.
Sa ulat, dakong alas-4:15 ng madaling araw ay bumabagtas ang 10 wheeler truck (ZRL-306) na may kargang buhangin, sa Ortigas Avenue Extension patuÂngong Antipolo City nang mawalan ng kontrol ang hindi pa kilalang driver nito sa paahong bahagi ng Tikling kaya’t dumausdos ito pababa at inararo ang mga bahay ng biktima na noon ay natutulog pa.-Ricky Tulipat, Mer Layson-