MANILA, Philippines - Handa na ang seguridad ng Philippine National Police (PNP) sa pagbabalik ng milÂyun-milyong estudyante mula sa elementarya at kolehiyo sa buong bansa sa susunod na linggo.
Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, inalerto na nila ang lahat ng unit ng pulisya sa buong bansa partikular na sa Metro Manila para sa muling pagbubukas ng klase simula sa darating na Hunyo 2, 2014.
Ang pagbubukas ng klase ay mag-uumpisa sa Hunyo 2 sa mga pampublikong paaralan at Hunyo 6 naman sa mga pribadong eskuwelahan.
Nasa 18,580 police personnel ang idedeploy at 7,441 namang Police Assistance Desks (PADs) sa buong kapuluan sa pakikipagtulungan sa Local GovernÂment Units (LGUs), Parents TeaÂchers Association (PTA) at Non Government Organizations (NGOs).
Kaakibat ng pagpapatupad ng “Oplan Balik Eskuwela 2014†ay ang pagpapalakas ng police visibility, mobile patrol at mabilis na pagtugon sa mga humihingi ng tulong lalo na ang mga estudyanteng target biktimahin ng sindikatong kriminal.
Inatasan din ang mga traffic enforcement units ng PNP sa Metro Manila na makipagtulungan sa MMDA at mga local traffic enforces para mapangalagaan ang daloy ng trapiko na inaasaÂhang magsisikip oras na magsimula ng dumagsa ang mga estudyante na magmumula pa sa mga lalawigan.-Joy Cantos , Lordeth Bonilla-