MANILA, Philippines - Sa darating na Huwebes (Mayo 29) ay maaari nang makalabas sa Ospital ng Makati (OSMAK) si Janet Lim Napoles na sangkot sa P10 bilyong pork barrel scam.
Ito ang naging rekomendasyon ni Dr. Florentina Villanueva, isa sa mga doctor ng OSMAK at kasama sa sumubaybay sa nakaraang operasyon at sa pagpapatuloy din ng pagdinig sa motion ni Napoles sa sala ni Makati City Regional Trial Court (RTC) Judge Elmo Alameda, Branch 150 na mapalawig pa ang pananatili nito sa OSMAK.
Ipinatawag din ng korte si Dr. Perry Ishmael Peralta, director ng OSMAK upang malaman naman kung may basehan ang naging rekomendasyan ni Dr. Efren Domingo, OB-GynecoÂlogist at Oncologist ni Napoles na kailangan pa ng pito hanggang 10 non-bleeding days bago makalabas ang pasyente nito.