2 Intsik timbog sa P25-M shabu

Inieksamin ni QCPD District Director P/Chief Supt. Richard Albano ang mga nakumpiskang drug paraphernalias, 5 kilo ng shabu at mga pera mula sa dalawang naarestong Chinese national sa QC.- JOVEN CAGANDE-  

MANILA, Philippines - Nadakip ng pulisya ang dalawang Chinese national sa isang buy bust operation sa Fairview, Quezon City at nasamsam sa mga ito ang limang kilong shabu na nagkakahalaga ng P25 milyon.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Benson Lao, 51, ng Poblacion, Guiguinto, Bulacan; at Benidict Ong, 38, ng Sta. Cruz, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa harap ng  TMS Dialysis Center na matatagpuan sa Regalado Avenue, kanto ng Burbank St., Brgy. North Fairview.

Nabatid na halos isang linggong sinurveilance ang ginawa ng mga otoridad at nang masiguro na sangkot ang mga ito sa malawakang bentahan ng droga sa lugar ay isinagawa ang buy bust operation.

Narekober sa mga suspek ang limang pakete ng shabu at 15 bundle ng budol money, gayundin ang cell phone, isang wallet na may lamang iba’t ibang pera ng Chinese; at isang unit ng Toyota vios model 2006 na kulay silver (ZCT-167).

 

Show comments