MANILA, Philippines - Binura sa listahan ng mga notoryus na holdaper sa Divisoria ang isang lalaki na madalas umanong sangkot sa mga nakawan at holdapan, nang barilin ito ng hindi pa kilalang suspek, habang ang biktima ay nakaupo sa isang folding bed sa Sto. Cristo St., Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Dead on the spot ang biktima na kilala sa Divisoria sa alyas na “Lingaâ€, tambay at walang permanenteng tirahan.
Sa ulat ni SPO1 John Charles Duran ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi habang nakaupo ang biktima at nagpapahinga sa nakalatag na folding bed sa kalye.
Ayon kay Duran, kilala ng mga vendor ang biktima sa pagiging holdaper na matagal umanong nagtago at kamakalain lamang nagbalik, na posibleng natiyempuhan ng humahanting sa kaniya.
Tatlong basyo ng bala ng 9mm na baril ang narekober ng mga awtoridad sa crime scene.