MANILA, Philippines - Dahil sa umano’y argumento tungkol sa masangsang na amoy at hindi paliligo, pinagsasaksak ang isang lasenggo ng kanyang kainuman kahapon ng umaga sa Malabon City.
Dahil sa walang makapagsabi ng tunay na paÂngalan, pansamantalang binigyan na lamang ang biktima ng alyas na “Boy Bahoâ€, residente ng Iba OST, Calumpit, Bulacan, habang tinutukoy naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspect na agad na tumakas matapos ang insidente.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:45 ng makipag-inuman ang biktima sa suspect at ilan pang lalaki sa may Estrella St., Brgy. Tañong. Dahil umano sa masangsang na amoy, sinabihan ng suspect ang biktima na maligo naman dahil sa malakas na ang putok nito sa katawan na mabilis na ikinagalit ng biktima.
Ilang sandali pa ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng suspect na lingid sa kaalaman ng una ay armado ng patalim na mabilis na iniunday dito. Sa ngayon ay pinaghahanap na rin ng pusliya ang iba pang mga kainuman ng biktima.