MANILA, Philippines - Isang 6-anyos na batang lalaki ang nasawi nang ito ay aksidenteng makuryente habang nagÂlalaro kamakalawa sa bayan ng Candelaria, Quezon.
Ang nasawi ay kinilalang si Angelo Chavez, residente ng Sitio Taguan, Brgy. Bukal Sur ng baÂyang ito.
Sa ulat, bandang alas- 6:00 ng gabi habang ang biktima ay naglalaro sa labas ng kanilang bahay nang aksidenteng nahawakan ang nakalaylay na live wire bunsod upang bigla na lamang itong magkikisay.
Nagtamo ng 1st degÂree burn sa kaniyang leeg ang biktima na baÂgaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay nasawi rin ito habang nilalapatan ng lunas.