Sandigan nag-isyu ng freeze order vs. Corona assets

MANILA, Philippines - Batay sa writ of preliminary attachment ng Sandiganbayan 2nd Division na pinirmahan ni Associate Justice Teresita Diaz-Baldos ay inilabas ang freeze order laban sa  P130.59 milyong ari-arian nina dating Chief Justice Renato Corona at misis nitong si Cristina.

Nag-ugat ang desisyon sa forfeiture case na isinampa ng tanggapan ng  Ombudsman sa mag-asawa noong Marso 27.

Sa 27-pahinang reklamo ng Om­budsman, sinasabing umabuso sa kanilang kapangyarihan ang mag-asawa kayat nagkapagkamal ng hindi maipaliwanag na yaman.

Ang kinikuwes­tyong  yaman ng mag-asawang Corona  ay ang peso at dollar account ng mga ito sa  iba’t ibang bangko at mga lupain sa QC at Taguig City.

 

Show comments